Members Login
Username 
 
Password 
    Remember Me  
Post Info TOPIC: modern bugtong..ehehehe
j u b e y

Date: Nov 28, 2006
modern bugtong..ehehehe



LIPAS na ang panahon ng mga bugtong tulad ng "buto’t balat lumilipad", o "isang butil ng palay sakop buong bahay" o " munting prinsesa nakaupo sa tasa". Mga edad-45 patanda na lang ang nakakaalam na ang mga sagot ay saranggola, bumbilya, kasoy. May bago nang uri ng bugtong: uso sa kabataan, kumakalat sa text, at batay sa sarili nilang mga pananaw.

Nakatanggap na kayo ng ganito? "Masaya ako dahil marami akong date." Kalendaryo. "Alam kong mrmi akong tnong sa yo, pero ngta2nong lng nman ako. Sna wag m ako murahin patlikod pag di m msgot mga tanong ko." Test paper. "Biktima rin kami ng abortion." Balut.

May mga pagkakapareho ang mga bugtong noon at ngayon. Pareho may sukat at tugma ng tula. Luma: "Kung kailan mo pinatay, saka humaba ang buhay." Kandila. O, "Mababa kung nakatayo, mataas kung nakaupo." Aso. Bago: "Ginagawa ko lahat para sumaya ka... Mahirap ba talaga makuntento sa isa? Bakit palipat-lipat ka?" TV. At, "Pilitin mo man alisin ako sa buhay mo, babalik at babalik ako." Libag.

Parehong nakakatawa. Luma: "Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari." Zipper. O, "Nagtago si Pedro, nakalitaw ang ulo." Pako. Bago: "Hindi lahat ng walang salawal ay bastos." Winnie the Pooh. Heto pa: "Hala sige magpakasasa ka, Alam ko naman katawan ko lang ang habol mo." Hipon.

Pareho ring tunog malaswa, pero safe naman pala. Luma: "Nilapirot ko nang nilapirot, saka ko isinundot." Sinulid at karayom. O, "binurat ko nang binurat, saka ko kinagat." Saging. Bago: "Bwisit na buhay ito, itlog, itlog, araw-araw na lang itlog." Briefs. At, "Bakit mo ko binibitin, kung kelan kainitan at basang-basa ako." Sampayan.

Pero malinaw ang kaibahan ng luma at bagong bugtong. Ang bago ay moderno ang paksa: "Aww... aw...aw...aw...aw...aw...aw...aw...aww." 101 Dalmatians. Text language ang ginagamit: "Khit ppno gusto ko rin nman ng exposure." Singit. At mabilis ikatha. Kainitan pa lang ng laban ni Pacquiao nang lumabas ito: "Hindi lahat ng bumabagsak ay nagsa-summer." Erik Morales. At katatapos pa lang ng laban nang lumabas ang: "Igaganti ko si Erik. Husto ang timbang at katawan ko." Vina Morales


korknikkzz!!!



__________________
javesssss

Date: Nov 28, 2006

 in fairness..natawa ko... kya lng lalo yata aq nilagnat! wahehe! 


labshu jubz



__________________
pleyboy (dan)

Date: Nov 29, 2006

di naka relate...di naintindihan..



__________________
Page 1 of 1  sorted by
 
Quick Reply

Please log in to post quick replies.

Tweet this page Post to Digg Post to Del.icio.us


Create your own FREE Forum
Report Abuse
Powered by ActiveBoard