Members Login
Username 
 
Password 
    Remember Me  
Post Info TOPIC: JOKE mo LAGAY mo
JOKER

Date: Mar 1, 2006
JOKE mo LAGAY mo


 


                                                                              
                               MAHIRAP LAHAT
                           Sa UP, mahirap ang Math.
                        Sa Ateneo, mahirap ang English.
                      Sa La Salle, mahirap ang parking.
                    Sa Assumption, mahirap ang walang pera.
                     Sa UST, mahirap umuwi kapag baha.
                      Sa St. Scho, mahirap sumakay sa LRT
                       Sa San Beda, mahirap maging lalaki.



__________________
-- kitz --

Date: Mar 2, 2006

hahah

__________________
marie

Date: Mar 2, 2006

 


 


 


                               may isang fairy, sabi nya lahat ng cute sinusumpa nya na maging


                             ngongo....


                             haaaaayyyyyyyy...


                           


                             nenma lang ango, sami ko, "nye, maniwaya? hinyi aman yun uoo,


                             aloohan lang yon nima?" korniks



__________________
j u b e y

Date: Mar 6, 2006

Registered nurse si Bebeng sa L.A. Kasama niya ang kanyang ina na nagpagamot doon. Namatay ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Bebeng. Pinauwi na lang niya ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa.

For the sake of laughter! Enjoy reading..

Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na nakadikit ang mukha ng ina sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy ang isang anak, "Ay, naku! Tingnan mo 'yan... hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika! Nakudrado tuloy ang mukha ng inay."

Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong. Aba! May sulat na-nakastaple sa dibdib ng ina. Kinuha nila ito at binasa. Ang nilalaman ng liham na mula kay Bebeng:


Mahal kong tatay at mga kapatid:

Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. "Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $10,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod...

Nasa likod ni nanay ang dalawampu't apat na karnenorte at isang dosenang spam. Ang adidas na suot ni nanay ay para kay tatay. Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo.

Ang iba't-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puwetan ni nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana'y hindi natunaw. Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para sa bunso ni ate. Gift Ko sa first birthday ng bata. Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene.

Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay, japanese version ng pokemon trading cards at stickers. "Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at tig-iisa ang
mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta.

Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party. May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni nanay. Para sa inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo Romy. Bigyan nyo na rin ng tig-isa 'yung mga pamangkin ko at 'yong isa ay kay Pareng Tulume.

Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni nanay ay para sa mga anak mo, diko, na nagbabasketball. Tigdadalawang ream ng Marlboro lights at Winston red ang nasa pagitan ng mga hita ni nanay.

Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan.

Isang dosenang Wonder bra (Victoria's Secret ata ang tatak)gustong-gusto ni Tiya Iskang society natin, suot-suot din ni nanay. Alam kong inaasam-asam nyo 'yan, tiya. Anim na lipstick lang ang kasya sa bra. Ang Rolex na bilin-bilin mo tatay, suot-suot ni nanay. Nakatakip sa Nike na wristband. Kunin mo agad, Itay.

May isinisik akong zip-loc sa bunganga ni Inay na naglalaman ng $759 dollars. Hindi na ako nakatakbo sa ATM. Puede na siguro sa libing iyon.

Iyong tong na makokolekta, i-time deposit niyo Kuya para pag namatay si Tatay may pambili na ng ataul.Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may nakakabit pang anim na nail cutters) nagustong-gusto mo, ditse, ay suot suot din ni nanay. Kunin mo na rin agad, ditse. Ibigay mo ang isang
nailcutter kay Jay bakla sa kanto.

Tanggalin niyo ang bulak sa ilong ng inay, may isiniksik ako 3 diyamante sa bawat butas. Ibangon niyo lang si inay at tiyak na malalaglag na ang mga iyon. Konting alog lang siguro ng ulo.

Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at si nanay pa ang maiwan. Basta parte-parte kayo, tatay, kuya, ate, dikong, ditse. Para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay nanay. Pamimisahan ko na lang siya rito.

Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing. Alam ni ate ang email ko.
Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko.

Nagmamahal,
Bebeng


__________________
marie

Date: Mar 8, 2006


 


 


                 waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa


                            iiiiiiiiiiiwwwwwwwwwwwwwwwwww


                                                                                                             


                                                                                  



__________________
an2x_panda

Date: Mar 16, 2006

Elow Jubey? sobrang natuwa po ako sa joke mo lagay mo .  you're the BEST!

__________________
panda

Date: Mar 19, 2006

tol jubs lufeth mo he3xall

__________________
Page 1 of 1  sorted by
 
Quick Reply

Please log in to post quick replies.

Tweet this page Post to Digg Post to Del.icio.us


Create your own FREE Forum
Report Abuse
Powered by ActiveBoard